2.11.2011

Ano ang paborito mong kulay?

Ang akin ay ang alas singko y media ng hapon ng Enero o Pebrero. Kasabay ang Across the Universe ng The Beatles na kumakanta sa tenga ko. Haha.

Isa sa mga nagpapagaan sa loob ko sa simula ng taong ito ay ang pagbisita sa simbahan malapit sa dati naming address. Paborito ko ang simbahan na yun, pero ngayong taon ko lang napansin muli ang kagandahan ng lugar na yun kasabay ng kulay ng hapon. Ang mga nalalag na dahon, mga lalaking nagbabasketball, mga babaeng naghahagikhikan, at ang tunog ng kampana ay mga bagay na mas lalong nagpapaganda ng kulay ng oras at lugar na yun.

Dati pa ako umuuwi ng alas singko o mas late pa mula sa trabaho ko, pero hindi ko madalas napapansin ang kulay ng langit o ng paligid.

Pag pumupunta ako sa simbahan sa Times, nababawasan ang lungkot ko, napapanatag ako at nakikita ko ang magandang kulay ng buhay.

Hindi ko alam kung sa QC—sa bandang Examiner, Q. Ave at Scout Borromeo lang ang golden afternoon na yun, pero sa tuwing titignan ko ang damo, ang mga building o kahit ang mukha ng mga tao, may kakaibang ganda sa kanila. Mas extra special. Romantic. At sentimental.

At kung balang araw, may magpopropose sa aking magpakasal. Sana sa oras ng paborito kong kulay. Haha.